Wrist strap ayun daw yung mga "specs" ko. the features that i possessed. pang-akit daw ng mga bibili sa akin. magdadalawang buwan na rin akong nakaupo sa isang storage room ng isang stall sa greenhills. Ang tagal na rin pala.
pinaulit-ulit ko sa aking sarili ang mga specs ko. great shots. great pictures. aba. ang galing ko naman pala. :)) ako ang magsisilbing instrumento sa pagpinta ng mga ngiti ng mga malulusog na bata sa mga birthday party, siguro mga kasal na napaka-sweet, mga graduation na nakakaiyak, at kung anu-ano pang mga okasyon na naririnig kong napakasaya para sa aming mga camera. excited na ako.
*********************************************************************************************
bumukas na naman ang pinto ng storage room, nakita ko mula sa plastic sa aking kahon. Sana ako na ang piliin. Taimtim kong hinihiling. Kaso kinuha ni Jeff, yung bagong "helper", ang isang kahon ng isang digital camera. Umalis siya at sinarado ang pinto. Hayyyy.
"Ano ba Jeff?! Sabi camera, yung may nakikita kagad na picture!" sigaw na narinig ko, marahil tong anak ng may-ari, nagmamagaling na naman.
"Eh, sir, di ba digicam ganun rin yun?" Sagot ni Jeff.
"Bobo ka ba? Yung may lumalabas, na nakadevelop kagad. Yung Podaroyd." Asar na asar na sumagot si Melvin.
"Sir, POOLLLAARROIIDD, ang tawag dun. Sana po kasi linawin niyo sa susunod." Sagot naman ni Jeff na tila manununtok na. Naririnig ko ang mga tunog ng mga paang papalapit.
Naniniwala akong matalino si Jeff. Kawawa naman at inaalipusta siya. Pero, di ko na iisipin yun. POLAROID daw. ako yun! May bibili na sa akin! Ang tanging inisip ko.
*******************************************************************************************
Isang lalaking, marahil 26 - 28 na taon ang tanda, nakasalamin at nakaputing polo ang may hawak ngayon ng paper bag kung saan ako naroon. Aba, ang ganda naman ng itsura ng lalaking to. Bata pa. Sana maraming gimik! Maraming outing. Maraming picture! Talagang excited na ako.
Umuwi kami sa apartment niya. Malinis. Maputi. Napakaganda ng mga furniture. May mga display ng mga robot at laruan. Isip bata siguro ito.
*******************************************************************************************
Pagdating ng 10am kinabukasan, inalis niya ako sa kahon. Mabilis na binasa ang aking manual at ipinasok ako sa loob ng kanyang bag. Gagamitin na niya ako. Ang saya naman nito.
Pumunta kami sa isang maliit na building. Sumakay ng elevator. 3rd floor. Room 318. Opisina kaya niya ito? Ano kayang trabaho niya? Nakapolo siya muli.
Pumasok kami sa loob. ISANG STUDIO. Isang puting background, tapos may mga ilaw na nakatayo. Isa siyang photographer! Napakabait naman ng tadhana sa akin. Ako, na sabik na sabik magamit, ay magagamit na. Wala akong pakialam kahit masira ako, gusto ko lang makatulong sa kanya. Matupad ang mga pangarap kong magpinta ng mga ngiti.
***************************************************************************************
Mga ala-una, may kumatok sa aming pinto.
"Ako po 'yung model." mahinang sinabi ng dalaga. Aba, big-time naman nitong amo ko, mga model pala. akala ko pangkasal kasal at binyag. Hanep talaga!
Maganda ang dalaga. actually, mukha nga siyang dalagita e. Mga 16? Ninerbyos ata siya. Suklay nang suklay. Lingon ng lingon. Nanginginig.
"Marissa, sige pumunta ka muna doon sa may ilaw, gusto ko makita ang mukha mo sa ilalim ng ilaw." sabi ng aking amo.
Dali-daling pumunta ang dalaga, o dalagita, sa may background.
"Okay. Sige sige. Photogenic ka naman."
"Sige, maghubad ka na."
Di ako makapaniwala sa mga narinig kong salitang nagmula sa lalaking nagmamay-ari sa akin, sa lalaking aking hinangaan. Inilabas na niya ako at inilapag sa may mesa.
Tumunog ang kanyang cellphone, "Oo, ifa-fax ko sa'yo tong mga picture dito sa bagong recruit. [pause] Oo naman, batang bata pa."
Nakikita ng lens ko ang lahat, naririnig ko rin ang lahat. Ang taong ito, na walang ginawa kung hindi magkalat ng kalaswaan at karumihan, ay nagkaroon pa ng lakas ng loob na magpolo, magmukhang disente, magmukhang inosente.
Napuno ako ng poot sa puso ko, o kung ano man ang puso ng mga camera. Gagamitin pala ako sa ganitong paraan! Ako ang instrumento na hindi magpipinta ng mga ngiti ngunit ako ang nagtatanggal ng dignidad sa mga taong ito. Pinapababa ko sila. Ipinahihiya. Hindi ko inakala na pwede itong mangyari. Aabusuhin lang pala ako.
Naghubad ang dalagita. Nagpose. Nagpakita ng kababawan, ang mababang paglipad. Ngunit nakikita ng lens ko ang kanyang mga mata. Inosente, umiiyak at humihingi ng tulong. Kung ganoon ang nararamadaman niya, bakit niya kaya ginagawa ito? Para siyang tanga.
Hindi ko matiis na lumalabas sa akin ang mga litratong tulad ng mga ito. Malaswa. Marumi. Tukso. Kasalanan. Hindi ko masikmura itong lahat.
********************************************************************************************************
Lumipas ang dalawang linggo, nagpatuloy ang pagpasok at paglabas ng mga "model" sa kanyang opisina. Mapa-dalagita, binata, o matatanda. Nandidiri na ako sa sarili ko.
Ika-dalawangpu't dalawa na itong "model" na ipininta ko. Tama na. Hindi ko na kaya ipagpatuloy ito. Ilang buhay na ba ang sinira ko? Ilang dignidad na ba ang ninakaw ko sa bawat litrato na aking kinukuha?
Isinara ko ang shutter ko. Hindi ko ito bubuksan. Bahala siya. Kailangan tumigil na ito.
"Sir, bakit, ano po bang problema?" tanong ng model.
"Ah eh, wala. Lagi kasing nagloloko ang mga Polaroid sa akin. Mukhang nagloloko na ito. Ewan ko ba, bakit parang hindi sila tumatagal sa akin, nakalimang Polaroid na ako sa 3 buwan. dalawang linggo pa lang ito sa akin, sira na ata. Sige, gamitin ko na lang yung digicam. Wag ka nang gumalaw." sagot ng lalaking may hawak ng Polaroid na camera.
Tiningnan niya ako. Tinitigan ako ng mga matang nag-eenjoy sa mga robot at laruan-- mga matang inosente--, ngunit hindi ko makalimutan na ang mga mata rin na iyon ay naghahanapbuhay sa karumihan. Puno ng awa ang kanyang mata. Sa sarili niya, sa akin o sa mga model? Tila kaming lahat ay dapat kaawaan ng Maykapal. Malambot ang kanyang mga mata. Nakakaginhawa.
Bang! Tumama ang Polaroid sa pader.
Sa segundong nahulog ito sa malamig na tiles ng sahig at nagkahiwa-hiwalay ang mga bahagi, lumabas ang isang litrato.