Polaroid One600 Ultra
ayun daw yung mga "specs" ko. the features that i possessed. pang-akit daw ng mga bibili sa akin. magdadalawang buwan na rin akong nakaupo sa isang storage room ng isang stall sa greenhills. Ang tagal na rin pala.
pinaulit-ulit ko sa aking sarili ang mga specs ko. great shots. great pictures. aba. ang galing ko naman pala. :)) ako ang magsisilbing instrumento sa pagpinta ng mga ngiti ng mga malulusog na bata sa mga birthday party, siguro mga kasal na napaka-sweet, mga graduation na nakakaiyak, at kung anu-ano pang mga okasyon na naririnig kong napakasaya para sa aming mga camera. excited na ako.
*********************************************************************************************
bumukas na naman ang pinto ng storage room, nakita ko mula sa plastic sa aking kahon. Sana ako na ang piliin. Taimtim kong hinihiling. Kaso kinuha ni Jeff, yung bagong "helper", ang isang kahon ng isang digital camera. Umalis siya at sinarado ang pinto. Hayyyy.
"Ano ba Jeff?! Sabi camera, yung may nakikita kagad na picture!" sigaw na narinig ko, marahil tong anak ng may-ari, nagmamagaling na naman.
"Eh, sir, di ba digicam ganun rin yun?" Sagot ni Jeff.
"Bobo ka ba? Yung may lumalabas, na nakadevelop kagad. Yung Podaroyd." Asar na asar na sumagot si Melvin.
"Sir, POOLLLAARROIIDD, ang tawag dun. Sana po kasi linawin niyo sa susunod." Sagot naman ni Jeff na tila manununtok na. Naririnig ko ang mga tunog ng mga paang papalapit.
Naniniwala akong matalino si Jeff. Kawawa naman at inaalipusta siya. Pero, di ko na iisipin yun. POLAROID daw. ako yun! May bibili na sa akin! Ang tanging inisip ko.
*******************************************************************************************
Isang lalaking, marahil 26 - 28 na taon ang tanda, nakasalamin at nakaputing polo ang may hawak ngayon ng paper bag kung saan ako naroon. Aba, ang ganda naman ng itsura ng lalaking to. Bata pa. Sana maraming gimik! Maraming outing. Maraming picture! Talagang excited na ako.
Umuwi kami sa apartment niya. Malinis. Maputi. Napakaganda ng mga furniture. May mga display ng mga robot at laruan. Isip bata siguro ito.
*******************************************************************************************
Pagdating ng 10am kinabukasan, inalis niya ako sa kahon. Mabilis na binasa ang aking manual at ipinasok ako sa loob ng kanyang bag. Gagamitin na niya ako. Ang saya naman nito.
Pumunta kami sa isang maliit na building. Sumakay ng elevator. 3rd floor. Room 318. Opisina kaya niya ito? Ano kayang trabaho niya? Nakapolo siya muli.
Pumasok kami sa loob. ISANG STUDIO. Isang puting background, tapos may mga ilaw na nakatayo. Isa siyang photographer! Napakabait naman ng tadhana sa akin. Ako, na sabik na sabik magamit, ay magagamit na. Wala akong pakialam kahit masira ako, gusto ko lang makatulong sa kanya. Matupad ang mga pangarap kong magpinta ng mga ngiti.
***************************************************************************************
Mga ala-una, may kumatok sa aming pinto.
"Ako po 'yung model." mahinang sinabi ng dalaga. Aba, big-time naman nitong amo ko, mga model pala. akala ko pangkasal kasal at binyag. Hanep talaga!
Maganda ang dalaga. actually, mukha nga siyang dalagita e. Mga 16? Ninerbyos ata siya. Suklay nang suklay. Lingon ng lingon. Nanginginig.
"Marissa, sige pumunta ka muna doon sa may ilaw, gusto ko makita ang mukha mo sa ilalim ng ilaw." sabi ng aking amo.
Dali-daling pumunta ang dalaga, o dalagita, sa may background.
"Okay. Sige sige. Photogenic ka naman."
"Sige, maghubad ka na."
Di ako makapaniwala sa mga narinig kong salitang nagmula sa lalaking nagmamay-ari sa akin, sa lalaking aking hinangaan. Inilabas na niya ako at inilapag sa may mesa.
Tumunog ang kanyang cellphone, "Oo, ifa-fax ko sa'yo tong mga picture dito sa bagong recruit. [pause] Oo naman, batang bata pa."
Nakikita ng lens ko ang lahat, naririnig ko rin ang lahat. Ang taong ito, na walang ginawa kung hindi magkalat ng kalaswaan at karumihan, ay nagkaroon pa ng lakas ng loob na magpolo, magmukhang disente, magmukhang inosente.
Napuno ako ng poot sa puso ko, o kung ano man ang puso ng mga camera. Gagamitin pala ako sa ganitong paraan! Ako ang instrumento na hindi magpipinta ng mga ngiti ngunit ako ang nagtatanggal ng dignidad sa mga taong ito. Pinapababa ko sila. Ipinahihiya. Hindi ko inakala na pwede itong mangyari. Aabusuhin lang pala ako.
Naghubad ang dalagita. Nagpose. Nagpakita ng kababawan, ang mababang paglipad. Ngunit nakikita ng lens ko ang kanyang mga mata. Inosente, umiiyak at humihingi ng tulong. Kung ganoon ang nararamadaman niya, bakit niya kaya ginagawa ito? Para siyang tanga.
Hindi ko matiis na lumalabas sa akin ang mga litratong tulad ng mga ito. Malaswa. Marumi. Tukso. Kasalanan. Hindi ko masikmura itong lahat.
********************************************************************************************************
Lumipas ang dalawang linggo, nagpatuloy ang pagpasok at paglabas ng mga "model" sa kanyang opisina. Mapa-dalagita, binata, o matatanda. Nandidiri na ako sa sarili ko.
Ika-dalawangpu't dalawa na itong "model" na ipininta ko. Tama na. Hindi ko na kaya ipagpatuloy ito. Ilang buhay na ba ang sinira ko? Ilang dignidad na ba ang ninakaw ko sa bawat litrato na aking kinukuha?
Isinara ko ang shutter ko. Hindi ko ito bubuksan. Bahala siya. Kailangan tumigil na ito.
"Sir, bakit, ano po bang problema?" tanong ng model.
"Ah eh, wala. Lagi kasing nagloloko ang mga Polaroid sa akin. Mukhang nagloloko na ito. Ewan ko ba, bakit parang hindi sila tumatagal sa akin, nakalimang Polaroid na ako sa 3 buwan. dalawang linggo pa lang ito sa akin, sira na ata. Sige, gamitin ko na lang yung digicam. Wag ka nang gumalaw." sagot ng lalaking may hawak ng Polaroid na camera.
Tiningnan niya ako. Tinitigan ako ng mga matang nag-eenjoy sa mga robot at laruan-- mga matang inosente--, ngunit hindi ko makalimutan na ang mga mata rin na iyon ay naghahanapbuhay sa karumihan. Puno ng awa ang kanyang mata. Sa sarili niya, sa akin o sa mga model? Tila kaming lahat ay dapat kaawaan ng Maykapal. Malambot ang kanyang mga mata. Nakakaginhawa.
Bang! Tumama ang Polaroid sa pader.
Sa segundong nahulog ito sa malamig na tiles ng sahig at nagkahiwa-hiwalay ang mga bahagi, lumabas ang isang litrato.
Ang mga camera ay inimbento upang maipakita sa atin ang ating mga ngiti, luha, itsura. Ang mga litrato ay tila Hardcopy ng salamin.
Ang litrato, na dapat salamin ng lalaking iyon, ay Itim lamang ang lumabas.
applause. What a very nice story. Really something else.
ReplyDeletewhat does this suppose to mean?
ReplyDeletehahaha.
tinatamad ako magisip e! :))
hahha. ieedit ko na nga. :)) di magets yung message ko.
ReplyDeletemost probably kasi, napindot nung guy yung button. tapos napicturan siya.
pero, instead na image ng tao lumabas, itim lang. not even worth to look like a human anymore. :)
thanks. :)
ReplyDeletepalakpakan.. creative siya, creative.. konting dagdag ng drama at expression nalang.. at konting organisasyon ng narativ, bestselling na yan.. hahahah!
ReplyDelete:> yey. napuri ako. drama at expression. :] :)) tatandaan ko na yun.
ReplyDeleteastig parang teacher kita. yey. :))
teacher na kita! XD
nagcomment lang ako.. haha!! mistulang reader lang. haha!
ReplyDeletehehe. andami ko kayang natutunan sa mga comment mo. :))
ReplyDeleteahh.. well then.. hahaha!! pagpatuloy mo lang yang ginagawa mo. xD
ReplyDeletedapat paranoid na lang....hindi na lang podaroyd...wala lang
ReplyDeleteyey. :)) napuri ako ni master. :)) joke. XDD
ReplyDeleteyou should probably write too ya know. :D
oo nga no. XD
ReplyDeleteeh kasi nga di ba, 10 na kaya nun kagabi. pero maganda nga kung paranoid.
Podaroyd. :)) XDD ano yun? XD
*Clap*
ReplyDeleteI'm not really into tagalog stories, they make my nose bleed :))) But this one is good. Hahaha! Poor Polaroid.
hohoooo. :)) Natatawa talaga ako pag naaalala ko yung taong naiisip natin na katulad nung guy e. WAHAHAHHA. hanggang sa jeep pinag uusapan namin yun ni faith, woohoo. :D
ReplyDeleteahh.. :))
ReplyDeleteyou dont have to edit anymore ;)
di ko lang nagets. hahaha.
hahhaa :)) promise. yun talaga iniisip ko e.
ReplyDeleteShhhh. joke. XD
:D same here. i'm not really into writing tagalog stories. but i guess i have to, to shake things up a bit. :))
ReplyDeleteyea. poor polaroid. :| :)) the digicam is evil!!! :)) XD jokes.
nainspire ka ng kapitan sino no?
ReplyDeleteYeap. :)
ReplyDeletePero cmon, a guy with glasses... Naiisip ko si Kyoya or some hot megane :)))
ReplyDeletewhat would you prefer ba? some fat guy? :)) XD hahhaha. totally. parang kyouya or someone.
ReplyDeleteglasses people are hot. :)) JOKE. XD
in anime that is. XD
NIIICE.
ReplyDeleteyey. you read it again. :D THANKS. ;)
ReplyDeleteFan na ko! =))
ReplyDeleteIt doesnt suit the story. *Peace to all fatties out there*
ReplyDeleteAnime guys = Heavenly Creatures :)))
hahaha. i'm flattered. :)) XD
ReplyDeletedont worry. i'll keep writing. ;)
musta school?
Haha! :)) XDD i like the way you think. ;) XD
ReplyDeleteProps to you! Wonderful short story, this one. Creative. Kudos! :)
ReplyDeletethanks for reading kuya mico! :D :)
ReplyDeleteYay! :D School? Okay naman, somehow. :> You? Musta na? Ruben? Nakakamiss naman kayo!
ReplyDeletenice to hear that you're all alright. :D
ReplyDeletekami? :)) hahahha. hmm. nakaapat na class presentation.
medyo stressed out in some days. we got through somehow
and eventually we'll live. :)) XD
i miss the camp tooo. :|
FOUR CLASS PRESENTATIONS?! Wth? :O July palang ah? Like whooaaaa :| =))
ReplyDeletei knoooww right?
ReplyDeletethough it's fun. since this is our last year of high school, i dont really care whether i get stressed out or not, i just want to have fun. :)) XXD
Mmm, kung sa bagay. Last year na eh. :)
ReplyDeleteyea. magcocollege na. :s oh no. :)) XD
ReplyDelete