Sunday, August 28, 2011

Hierarchy of Crushes by Abba Marie Moreno

Ang Mga Antas ng Crush

By: Abba Marie Moreno

 

Marahan kang naglalakad papunta sa iyong susunod na klase. Alam mo na oras na. Tumitingin ka sa paligid. Ang mga mata mo’y hinahanap ang pares na gustong makatagpo. Patuloy na bumibilis at bumabagal ang pagtibok ng iyong puso.

            Hindi mo siya makita.

 

Kumbinsidong hindi mo siya naabutan, biglang may kumalabit sa iyo. Nginitian ka niya at siya’y kaagad umalis patungo sa kanyang susunod na klase. Habang papalayo, lumingon siya at sandaling nagtagpo ang inyong mga pagtitig. Sa segundong iyon, isang mala-kuryenteng kagalakan ang dumaloy sa iyong mga ugat. Kilig.

 

-----------------------------------------------------------------------------------

 

Lahat naman tayo dumadaan sa crush di ba? Maraming kahulugan ang salitang ito, sapagkat iba-iba ang maaaring depinisyon ng bawat isa sa atin. Para sa akin, ang crush ay pagkakagusto  o paghanga sa isang tao. Hindi ito katumbas ng love o pag-ibig. Sa halip, ito ay maaaring katumbas ng infatuation sa Ingles.

 

Para sa akin, may mga antas ang crush—ayon sa dahilan ng pagkakagusto at sa kung gaano tumatagal. Ang mga antas ay: (1) happy crush, (2) prospect-intermediate at (3) crush.

 

1) Happy Crush – Ang Unang Antas

Ito ang pinakamababaw na uri ng crush. Ito ang pinakamabilis na maitaguyod na estado ng pagkakagusto ngunit ito rin ang pinakamabilis mawala. Karaniwang mga dahilan ng pagiging happy crush ay: kaguwapuhan, katalinuhan, kagalingan sa sports, etc. Sa madaling salita, ang pagkakagusto sa happy crush ay dulot ng mga katangian ng taong hinahangaan—hindi ang kanyang personalidad at katauhan. Hindi kailangan ng personal na koneksyon ang humahanga at hinahangaan sa pagtaguyod ng estado ng happy crush. Magandang halimbawa ng happy crush ay ang mga celebrity crushes—karaniwang pisikal na kaanyuan ang nagugustuhan at hindi kilala nang personal ang mga fans ang mga celebrities.

 

2) Prospect-Intermediate – Ang Gitnang Antas

            Ang antas na ito ay sumunod sa happy crush. Ang paghanga o pagkagusto sa antas na ito ay higit pa sa mga pisikal o panlabas na katangian lamang. Dito pumapasok na ang pagkagusto sa personalidad ng hinahangaan—kung kaya, masasabi rin na kailangan ng personal na ugnayan (kahit kaunti lamang) sa pagitan ng humahanga at hinahangaan. Sa antas na ito madalas naiisip ang mga ideyang: “Okay pala ang ugali niya,” o kaya, “She’s more than just a pretty face.”

            May dalawang uri ng crush sa antas na ito: prospect at intermediate. Pareho ang dahilan at intensidad ng pagkakagusto ng dalawang uri, magkaiba lang ang dalawa sa intensyon ng humahanga para sa kanyang nararamdaman.

            Una, ang Prospect: kapag ganito ang uri ng crush ang nararamdaman ng humahanga. Naiisip niya na okay ang kanyang hinahangaan at nais niya pang makilala ito. Bukas siya sa posibilidad na magustuhan niya pa lalo ang kanyang prospect o hinahangaan. Maaaring tumuloy ang uri na ito patungo sa susunod na antas.

            Ang Intermediate naman ay nakakaisip na okay ang kanyang nagugustuhan ngunit ayaw niya nang lumago ang kanyang nararamdaman. Tinawag na intermediate ang estado na ito sapagkat naghihintay na lamang ang humahanga na makahanap ng bagong magugustuhan. Nararating ang uri na ito sa mga kadahilanang tulad ng: “Alam kong walang patutunguhan ito,” at nais lang manatili ang humahanga sa pagkakagusto.

 

 3) Crush – Ang Huling Antas

Crush ang pinakamataas na antas at ang may pinakamalalim na paghanga. Ito ay higit sa happy crush at prospect-intermediate. Masasabi na nasa antas na ito kung ang dahilan ng paghanga ay ang mismong pagkatao ng hinahangaan. Kadalasan hindi masagot nang madali ang tanong na: “Bakit mo siya gusto?” Nahihirapan ang humahanga sapagkat hindi ito katulad ng happy crush na madaling maglista ng mga katangian. Sa antas na ito, mabuting magkaibigan na ang humahanga at hinahangaan at lubos na nilang kilala ang isa’t isa. Ito ang uri ng paghanga na tumatagal sapagkat ito ay may pundasyon ng pagkakaibigan. Ito ang uri ng crush na may pinakamalaking probabilidad na tumuloy sa pag-ibig.

 

            Katulad ng sinabi sa mga nakaraang talata, karaniwan ang pagkakaroon ng crush. Normal lamang na magkagusto sa ibang tao ngunit mas mabuti kung alam mo ang kalikasan ng iyong paghanga. Makatutulong ito upang maiwasan ang padalus-dalos na mga desisyon.

 

Sunday, August 7, 2011

For all the ones that leave by Abba Marie Moreno

For all the ones that leave

By Abba Marie Moreno

 

For all the ones I miss,

A TOAST!

(I just turned eighteen!)

A glass of some fine wine

to celebrate and to commemorate

all the fine some-times

we had. Wine,

its flavor enriched by Time,

a fitting drink for this occasion.

(We’ll meet again, some day

and our times will be sweeter.)

 

For all the ones I’ll miss,

a shot of vodka.

Vodka: fiery, fervid, fleeting—

leaving throats parched for more.

Too much stains with a faint

taste of memory.

(Was it all a dream?)

Vodka fits perfectly

for this farewell.

(I won’t see you again, but,

surely, you will be missed.)

 

The days have come

and the nights have passed,

And I’ve realized that:




I should buy more vodka.


 

Friday, July 29, 2011

racecar by Abba Marie Moreno

racecar

by Abba Marie Moreno

 

“To be or not to be?

That is the question.”

Hamlet asked the audience

under the stage lighting.

 

He died.

(Hamlet did)

 

 

 

 

 

But the actor lived

to play Romeo

another night.

 

Another night

to play Romeo,

but the actor died.

 

 

 

 

 

He lived.

(Romeo did;

and Hamlet too)

 

Under the stage lighting,

Hamlet asked the audience:

“Is that the question,

To be or not to be?”

 

 

(in The End, who died?)

Monday, July 25, 2011

WAH

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH

This is insane.

Saturday, July 23, 2011

Don't by Abba Marie Moreno

Don't
by Abba Marie Moreno

Tempting--
     you are, 
unpredictable-,
inexplicable-,
unbelievable-
    --ly sweet.

If you can, let me
        have you, for just
   a bit more
           fun.

Sunday, July 3, 2011

July 3 2011 - Currently Preoccupying Thoughts

GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAaaaaaaaaHhhhh
(naubos ang space sa taas)

"I only show you what I want you to see 
And keep my tttttongue in my cheek
If you see them laughing
Don't follow them,
Cause they're not part of my joke
I'll always be just who you want me to be
I keep my tttttongue in my cheek
A hopeless romantic
You'll never see
Cause you're not in on the joke."
~Cobra Starship

Okay, bakit ako nagquote ng kanta? 
Wala lang, nagagandahan ako eh. LOLJK :)) 
Siyempre, hindi lang naman ako nagandahan lang. Medyo nakakarelate ako eh. Medyo. Sa ngayong point ng buhay ko, hindi ko na alam kung sino ako, hindi ko alam kung nasaan ako, at mas lalong hindi ko alam kung nasaan dapat ako.

Ganyan ang buhay, minsan alam mo, kalimitan, hindi. 

Paano nga ba ako naka-relate? Hmm, para bang, sobrang naconcern ako sa kung paano ako kikilos sa harap ng ibang tao, eh yung mga tinatago kong mga emosyon na hindi mapurga, got me all fucked up. I've forgotten how to trust. and I dont seem like I want to (but I guess I have to). At some point, I worked so hard to keep myself from trusting other people. But, ironically, my world was built on trusting other people, so now, I don't know where I am, or who I am, or where I should be. 

Right now, i think everyone's just using me. 
Nobody cares (meron, onti). 
And I shouldnt care, but I do.

Ako ata yung not in on the joke. 

Everyone is okay. Everyone is smiling. I'm not. 
I don't think I'm okay. 

It seems like the world lost 75% of its romance to me. 
Because no matter how much vulnerability you show to some people, how much trust you give them, there will always be some people that will hurt you. I used to think otherwise: just as long as you trust other people, they will trust you back and return the favor. As long as you'll be there for other people, they'll always be there for you too. 

Expectation ba yun? Hmmm... oo nga no, expectation ata. Well, i believe naman na kahit anong mangyari may mga taong mawawala sa buhay mo. Pero hindi naman ako naniniwala na lahat ng tao na sasaktan ka. Well yun ang paniniwala ko dati. Ewan ko na lang ngayon.

I went to see my friends from before. Things have changed. Theyre there for me, yes. But just most of the time, I don't even know what theyre talking about anymore. No complaints, thinking about the distance, it's bound to happen. But it's just, the more time that passes by, unti-unti akong mawawala pagkasama ko sila. Di kami makakarelate, maOOP ako. 

At sa punto na yun, wala na akong matatakbuhan. 

Unless:
Sumama ako sa kanila.
Or magtiwala ako sa iba pa. 

Nababaliw na ata ako, hindi ako makapagdesisyon. 

I don't know about the romance anymore. The trust, the going-aways. 
All I know now is the pain I've gone through/am going through. The confusion. 

I'm pretty sure I'll die young. 




Ewan. Sobrang emo na ba? Hirap kasi ng buhay ko eh. Ngiti-ngiti lang. Ngiti-ngiti. 

Friday, June 24, 2011

Falcon: I Hate the Rain

Pitter-patter-pitter-patter:
the sound of raindrops 
colliding--
with street cement;
only much louder.

PITTER-PATTER-PITTER-PATTER:
the sound of showers
strong--
from a sinister storm;
only much faster.

PITTER-PATTER-PITTER-PATTER-PITTER-PATTER-PITTER-PATTER:
the sound of weary hearts
beating--
waiting for news,
of someone safely home.