Saturday, July 3, 2010

Dynamite. The Fourth of July.

TANAAAAAN! :)) Tagal ko na rin palang hindi nagsusulat. Yung horror story ko di ko na natuloy, bv. Pero so far, sobrang dami kong thoughts gusto ko na lang magsulat nang magsulat. :)) Di ko muna lalagyan ng metaphors at whatevers na dinedecipher  namin sa Lit13. At dahil siguro may hangover ako sa pagbabasa ng Paboritong Libro ni Hudas, medyo tatagalugin at direct na lang to. XD

Hehe. nonsense lang to, wag na basahin. :)))) XD

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nanood ako ng Toy Story 3 kahapon. Well, in my opinion, it wasn't "Toy Story 3." It was more like of "Toy Story's The End." or at least something like that. Medyo agree ako sa kuya ko, mas maganda ang 1 and 2, sadyang nakakaiyak lang 3. :)) Anyway...

Tungkol dyan kay Woody at Buzz at si Andy (na hot na ngayon :)) ),
sobra talaga akong umiyak. Pangalawang beses ko maiyak sa loob ng sinehan (Yung una, isang Gay movie), at tulo nang tulo ang luha ko talaga.

Patungo sa dulo ng movie. (Umalis si Andy at nagcollege, naiwan ang mga laruan sa isang kapitbahay na bata), biglang pumasok sa utak ko:
SHIT. Pano kapag nangyari na sa kin yan?

Tapos napaisip ako ulit:
SHIT. Mag-iisang buwan na ako sa college. :)))))))))))))

Ayun. Haha. Mag-iisang buwan na nga ako sa college. Ano na nga ba ang naaccomplish ko? =)) Hmmm.
-Siyempre mangunguna dyan na meron na akong bagsak na quiz sa math! =))) woooooo.
-uhh. nabasa na ng ulan dahil malayo layo ang paglalakbay ko pauwi.
-nakadalawang bisita na sa UP! :)) Sana makita ko na si Zorro! XD
-Wala pa naman akong cuts.
-unti-unti ko nang napapaniwala ang mga blockmate ko na pogi ako. hahahahhaha :)))))

Anyway. Dito na papasok ang medyo serious part ng blog ko na ito.

Mag-iisang buwan na nga ako sa college. Alam niyo, akala ko dati, pagcollege ka na, parang sobrang astig mo na at parang wala kang problema kung hindi yung mga thesis or assignment mo. Tapos the rest, red carpet na lang. Hindi pala.

Dati kasi, nung bata ako, kapag nakikita ko nang college students na ang mga pinsan ko, parang ang cool na nila. Lalo naman mga alumni ng Mandsci :)) Parang enjoy enjoy lang. Parang they could take whatever life threw at them. A sense of power. A sense of strength to have your own path to pave.

But then i realized last week, nothing much in me has changed. Ganun pa rin pala. Problema sa grades, problema sa lovelife (?), problema sa pamilya. I still cry. And it's still about the same things. At parang maliit pa rin ang mundo ko dahil sa grip ng mga magulang ko. XD

I still love Jason Mraz. Bookworm pa rin ako. Nerd pa rin (haha. lalabas lang to kapag kasama ko ang mga nerdmigos ko XD ). Mahina pa rin sa math. Fave ko pa rin ang English.

Nothing much has changed. Probably, yung pamasahe at imbis na tricycle na papuntang mandsci, best friend ko na ngayon ang LRT at MRT. (in fairness, di ko bestfriend yung mga tao sa loob! Lalo na sa MRT XD)

Sabi nga ng Panic at the Disco: "Things have changed for me. And that's okay, I feel the same. I'm on my way."

Siguro, the strength and power i saw in my cousins or any college student wasn't from the title: "College Student." It's from the experience. The title just provides you new paths and new opportunities. Pero kung decision making at consequences, you're on your own bro. At siguro pagtagal tagal, marami ka nang matutunan. Yun na siguro yung kaastigan na tinutukoy ko noong bata pa ako. :)

Kaya naman, Hello college life. I don't expect to be treated well most of the time, but please do give me one heck of a ride. ;)

Pahabol lang: Medyo narealize ko rin na, it doesn't really matter kung saang university ka nag-aral. Dahil makikita mo pa rin ang mga kumag mong kaklase mula sa Mandsci :))) Haha. XD




2 comments:

  1. maya-maya ko ng nakikita si zorro eh. nasa elliptical road siya minsan. puteek nakadalawang punta ka na di pa tayo nagkikita. ano ba naman yan. bakit iyakin ka pa rin abba? at least ako di ko na iniiyakan yung sugat-slash-scar ko. haha.. I miss you!

    ReplyDelete